Wednesday, July 27, 2016

Driver ng isang Tour Guide company sa Boracay, inireklamo ng pagnanakaw

Posted July 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftIne-reklamo ngayon ng Director ng isang Tour Guide company sa Station 2 Balabag ang kanyang driver matapos umanong hindi nito ini-remit ang kita ng kanilang sasakyan.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang nagre-reklamo na si Jae Hwan Moon, 37-anyos, isang Korean national at nakatira sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktima sa mga pulis simula umano noong June 26 hanggang July 19 ngayong taon ay hinidi naibigay ng suspek na driver ang kita ng kanilang van na nagkakahalaga ng mahigit P28.000.

Nabatid na hindi na ngayong mahagilap ang suspek kung saan hindi na rin ito makontak sa kanyang cellphone.

Dahil dito, nakatakdang ngayong sampahan ng kaso ang suspek na driver ng kanyang amo.

No comments:

Post a Comment