Thursday, July 28, 2016

Korean national, nabiktima ng magnanakaw habang naliligo

Posted July 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawanIsa naman ngayong turistang Korean national ang nagpa-rekord sa Boracay PNP matapos umano itong pagnakawan habang naliligo sa dalampasigan sa Station 3 Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Cheolnam Yoon, 53-anyos at nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing lugar.

Base sa report ng biktima sa mga pulis, nilagay niya umano ang kanyang wallet sa loob ng plastic pouch at nilapag sa bungangin para maligo subali’t, makalipas ang ilang minuto ng pag-ahon nito ay hindi na niya makita ang kanyang plastic pouch na sinasabing tinangay ng hindi nakilalang suspek.

Ang nasabing bag ay naglalaman ng ibat-ibang cards, 100 US Dollars at cash na mahigit P1, 000.

Patuloy naman ngayon ang ginagawang embistigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment