Posted
July 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatanggap kamakailan ang mga bayan ng Nabas, Kalibo at
Libacao ng BUB funds na nagkakahalaga ng P1.7M mula sa Department of Trade and
Industry (DTI).
Ang na-release na BUB funds ay layong ma promote at
ma-develop ang food industry ng Nabas, fiber at foods industries ng kalibo, at
ang handicraft industry ng Libacao.
Nitong Mayo 31, 2016 tinanggap ng bayan ng Nabas ang
tseke na nagkakahalaga ng P0.5M mula sa DTI Aklan OIC-Provincial Director Ma.
Carmen Iturralde.
Tinanggap naman ng alkalde ng Kalibo ang tseke na
nagkakahalaga ng P0.7M nitong Hulyo 5, 2016 kung saan kabilang sa paggagamitan
nito ay ang YAMAN PINOY project.
Sumunod namang nakatanggap nitong Hulyo 8 ay ang bayan ng
Libacao na may halagang P0.5M mula rin sa nasabing ahensya.
Nabatid na ibat-ibang proyektong pangkabuhayaan ang
pinanggamitan ng nasabing pondo kung saan ilang seminar din ang kanilang ginawa
para maturuan ang mga gustong pasukin ang pagnenegosyo.
No comments:
Post a Comment