Friday, July 29, 2016

Musician, sinaksak ng bote ng kapwa Musician

Posted July 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for basag na boteSugatan ang isang lalaking Musician matapos itong saksakin ng basag na bote ng alak ng kapwa Musician nito sa Balabag, Boracay.

Salaysay ng biktima na si Allan Levi Tan, 26-anyos sa Boracay PNP, kinumpronta umano siya ng suspek na si alyas Carl tungkol sa narinig na balita laban sa kanya.

Dahil dito, ay nagkaroon ng mainitang diskusyon ang dalawa hanggang sa nagkasakitan ang mga ito kung saan kumuha pa ang suspek ng bote ng alak at hinampas nito ang biktima ngunit mabilis naman itong naiwasan ng huli.

Subali’t hindi pa umano nakuntento ang suspek kahit inawat na ang mga ito ng kanilang kaibigan hanggang sa kinuha na nito ang basag na bote at sinaksak sa kaliwang balikat ng biktima.

Samantala ang suspek ay agad namang nahuli ng mga pulis at ngayon ay naka-kulong na sa Boracay PNP station habang ang biktima ay nasa ligtas namang kundisyon matapos na mabigyan agad ng medikasyon ang tinamo nitong sugat.

No comments:

Post a Comment