Posted July 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Binigyan ngayon
ng pahintulot ng 17th Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagtatag ng sisterhood
relationship sa pagitan ng probinsya ng Aklan at ng State of Hawaii, United
States of America.
Ang pagkumpirma
ng sisterhood relationship ay sa pamamagitan ng isang resulosyon na ipinasa ng
17th SP, noong 2nd regular session araw ng Lunes Hulyo 18 taong kasalukuyan.
Sa nasabi ring
resolusyon ng 17th SP ay i-notarize si Governor Miraflores ng probinsya na
maglagda ng sisterhood agreement sa gitna ng Aklan at Hawaii na ang mga “areas
of cooperation” ay posibleng sa larangan ng turismo, agrikultura at disaster mitigation.
Sinabi naman ni
Reynaldo Quimpo bagong Bise Gobernador, na itong obligasyon sa pagpapatibay sa
relasyon at kung ano pa na mga bagay at sa larangan ng pag-unlad ang dapat na
isama dito sa nasabing Aklan-Hawaii Sisterhood Agreement.
No comments:
Post a Comment