Saturday, July 30, 2016

Boracay excited na masama sa isa sa aktibidad ng Miss Universe 2017

Posted July 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for miss universe 2017Ngayon pa lamang ay excited na ang mga Aklanon dahil sa posibleng pagbisita ng mga contestants ng Miss Universe sa isla ng Boracay sa taong 2017.

Sa panayam kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, na isa umano itong oportunidad sakaling matuloy ang pagbisita sa Boracay ng mga naggagandahang dalaga ng Miss Universe.

Dahil dito, kailangan din umano nilang ma-meet ang standard ng organizer ng nasabing event kung saan pagdating umano sa produkto at serbisyo sa Boracay ay handang-handa na umano ito.

Ayon pa kay Delos Santos, handa sila sakaling matuloy ang isa sa mga aktibidad ng Miss Universe sa isla dahil sa ilan na rin umanong mga International event ang ginanap sa Boracay.

Una nang kinumpirma ni Tourism Secretary Wanda Teo na gaganapin ang month long pageant sa Vigan, Davao, Cagayan de Oro, Cebu, Palawan at Boracay.

Ito ang ikatlong beses na magaganap ang Miss Universe sa Pilipinas- una noong 1974 na ang reigning queen ay ang ating kababayan na si Margarita Moran at pagkatapos ay noong 1994 noong panahon ni Dayanara Torres.

Ang Miss Universe ay nakatakda isagawa sa January 30, 2017 na gagastosan ng mga private sector sa bansa.

No comments:

Post a Comment