Posted August 1, 2016
Naglabas ngayon ng babala ang Aklan Electric Cooperative
(Akelco) sa publiko kaugnay sa power saving device na ibinibenta sa mga brgy.
Ayon kay Engr. Joel Martinez, assistant general manager
ng AKELCO, huwag umanong gumamit at bumili ng energy-saving devices dahil wala
umanong mga permit ang mga ito mula sa kanila, kung saan hindi pa umano nila
ito nakita.
Huwag din umanong maniwala na otorisado ito ng Akelco
para ibenta nila kung saan dapat din umano nila itong itanong kung mayroon ang
mga itong mayor’s business permit, barangay clearance o DTI permit, upang
masiguro umano ng mga ito na makabenipisyo ang konsumedor sa kanilang produkto.
Hinikayat pa ni Martinez ang kanillang member-consumers
na isumbong ang mga taong ginagamit ang pangalan ng Akelco na walang kaukulang
authorization sa Akelco na tumawag sa Hotline 144 o sa malapit na opisina ng
kanilang kooperatiba.
Nabatid na may mga nagsasabi na ang power saving device na ito ay nakakabawas umano ng kunsomo sa kuryente ngunit base naman sa isinagawang laboratory test ng Akelco ay hindi umano ito nakakatulong sa pagpapababa ng kunsumo ng kuryente.

No comments:
Post a Comment