Tuesday, July 26, 2016

Dahil sa maruming resort sa Boracay, turista nagreklamo sa mga pulis

Posted July 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Humingi ngayon ng tulong ang isang turista sa Boracay PNP station matapos nitong ireklamo na marumi ang resort na kanilang tinutuluyan sa Brgy. Balabag, Boracay kagabi.

Sa blotter report ng mga pulis nakilala ang nagre-reklamo na si Mohamed Amin Moussa, 42-anyos at isang Egyptian national.

Nabatid na ini-reklamo nito ang resort na tinutuluyan sa mga otoridad dahil sa marumi umano ang kanilang kwartong nakuha at hindi umano sila komportable.

Dahil dito, minabuting i-report ng biktima ang hindi magandang serbisyo ng resort sa kanilang mga turista.

Samantala, ang reklamo ng biktima ay idinulog naman ng Boracay PNP sa Department of Tourism (DOT) para sa agarang aksyon.

No comments:

Post a Comment