Monday, July 25, 2016

T-shirt at hand printed shirt store sa Boracay, ninakawan

Posted July 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay    

Nanlumo na nagsumbong ang Supervisor ng isang tindahan ng mga damit at hand printed t-shirt sa Station 2 Boracay matapos silang luoban ng magnanakaw kaninang madaling araw.

Sumbong ng supervisor ng Happy Planet na si Blessil Cadungog, 28-anyos sa Boracay PNP, nakatanggap umano siya ng tawag galing sa kanilang stockman na napansin ng kanilang maintenance na nakabukas na ang pintuan ng nasabing tindahan.

Sinabihan naman umano nito ang kanilang stockman na hintayin sila ng I.T para matingnan ang kanilang CCTV camera.

Dito lumabas sa CCTV footage na may isa umanong lalaking suspek na pumasok sa loob na na nakasuot ng long sleeve, nakapantalon at may suot ding gloves habang may takip namang t-shirt ang mukha nito.

Agad naman nilang tiningnan ang cash vault ngunit tinangay na umano ang laman nitong mahigit P15, 000 at isang Go Pro Silver (Hero 4) camera na nagkakahalaga ng P20, 990.

Sa ngayon ay patuloy paring ini-imbestigahan ng Boracay PNP ang nangyaring nakawan sa lugar.

No comments:

Post a Comment