Friday, July 29, 2016

DTI Aklan, patuloy na minomonitor ang mga Timbangan ng Bayan

Posted July 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Timbangan ng bayan
Patuloy ang ginagawang inspekyon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa lahat ng Timbangan ng Bayan sa 17 munisipalidad sa probinsya.

Ito ay sa layong maprotektahan ng ahensya ang mga
mamimili laban sa mga tindero na nanloloko sa pamamagitan ng sobra-sobrang kilo.

Ayon naman kay Ma. Carmen Ituralde, DTI OIC Prov'l Director, ang mga nilagay umanong  Timbangan ng Bayan sa mga public market sa bawat bayan ay ginagamit naman umano ng mga mamimili sa maayos na kundisyon base sa mga taga bantay nito.

Matatandaang isang memorandum of agreement ang pinirmahan ng DTI at ng mga Local Government Unit sa probisya para sa implementasyon ng “Timbangan ng Bayan”.

Nabatid na nakatanggap ng tig-dalawang Timbangan ang bawat bayan sa Aklan noong nakaraang taon kung saan ito ang sagot sa hinaing o reklamo ng mga mamimili laban sa mandarayang nagbibinta na minamanipula ang kanilang timbangan para kumita ng mas malaki.

No comments:

Post a Comment