Wednesday, July 27, 2016

Ginawang re-blocking sa Boracay maayos umano-MTO

Posted July 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa-ikatlong araw na ngayon ang ginagawang re-blocking sa isla ng Boracay para sa mainroad construction ng BIWC sa Manoc-manoc area.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon, maayos at maganda naman ang ginawang re-blocking dahil nakakaiwas ito sa trapiko kung saan  binuksan din nila ang one-way mula sa Lugutan area at Station 2-3 mainroad area.

Malaki din umanong tulong ang mga nilagay nilang mga signages sa bawat lugar na mayroong re-blocking upang hindi na umano malito ang mga driver ng mga sasakyan.

Nabatid na one-way lang ang mainroad mula sa D’mall hanggang sa Emall station 3 gayon din sa mangrove area hanggang sa Laketown sa Balabag.

Samantala, may mga itinalaga namang mga MAP member sa mga kalsada sa Boracay katuwang ang mga pulis upang bantayan ang daloy ng mga sasakyan at mahuli ang mga pasaway na mga motorista na hindi sumusunod sa umiiral na batas trapiko.

Ang re-blocking ay inaasahang magtatapos sa ikalawang linggo ng Agosto base sa kasuduan ng BIWC at ng LGU Malay sa kanilang pagtatapos sa nasabing proyekto.

No comments:

Post a Comment