Wednesday, July 27, 2016

AKELCO, nagbigay ng paliwanag hinggil sa palaging brown out sa Malay at Boracay

Posted July 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinaunlakan ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) ang paanyaya ng Sangguniang Bayan ng Malay sa ginanap na 4rth regular SB session nitong Martes.

Ito’y dahil nais malaman ng konseho kung bakit nangyayari sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay ang sunod-sunod na pagkawala ng suplay ng kuryente nitong mga nakaraang araw.

Dahil dito, ipinaliwanag mismo nina Engineer Joel Martinez at Arnaldo Parco ng Akelco sa konseho ang dahilan ng nararanasang power interruption sa mga nasabing lugar.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng AKELCO dito ay ang tungkol sa transient Fault dahil umano sa habagat, malakas na ulan o merong ahas o kung ano mang  hayop na gumagapang sa kanilang wire dahilan kaya nawawala ang suplay ng kuryente.

Isa pa umano sa mga dahilan ay ang mga nabaling kahoy sa mga kable ng kuryente na tinatawag nilang Sustainable Fault.

Sa kabila nito sinabi ni Martinez na kung sakaling magkaroon ng power interruption sa bayan ng Malay o sa isla ay nagbibigay naman sila ng power advisory.

Matatandaang ipinatawag ang nasabing kumpanya dahil sa palagiang brown-out kung saan nagreresulta umano ito ng pagkasira ng mga appliances at perwesyong naidudulot sa mga negosyo sa Boracay.

Samantala, tiniyak naman ng kooperatiba sa SB Malay na mayroon na silang nakalatag na mga proyekto para sa posibleng ikakaayos ng suplay ng kuryente sa Malay lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment