Friday, July 29, 2016

Drug test ipapatupad din sa mga media sa Aklan

Posted July 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drug testHanda rin ngayong magpatupad ng random drug test ang mga media sa probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos magkasundo ang tatlong malalaking organisasyon ng media sa probinsya na magsagawa ng nasabing test sa ginanap na pulong nitong nakaraang araw basi rin sa patuloy na kampanya ng mga pulis laban sa illegal drugs.

Layun ng nasabing aktibidad na malinisan ang mga kasapi ng media na hindi gumagamit at nagtutulak ng illegal drugs sa Aklan.

Nabatid na ang isasagawang drug test ay nagpagkasunduan ng Aklan Police Defense Press Corps na pinapangunahan ni Jan Allen Ascano, Aklan Press Club sa pamumuno naman ni Gary Vargas at KBP Aklan sa pangunguna ni Allan Palma.

No comments:

Post a Comment