Saturday, July 30, 2016

E-trike driver, arestado matapos tangkaing saksakin ang kaibigan

Posted July 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulungan
Bagsak sa kulungan ang isang E-trike driver matapos umano nitong tangkaing saksakin ang kaibigan sa Sitio Diniwid, Balabag, Boracay kagabi.

Sa report ng biktima na si Jever Solis, 18-anyos sa Boracay PNP, nilapitan umano siya ng suspek na si alyas “ARL” at tinangkang saksakin ng kanyang hawak na kutsilyo.

Mabilis naman umano itong naawat ng biktima at sinubukang kunin ang kutsilyo ngunit nagresulta naman ito sa pagkakaroon ng sugat sa kanyang kamay.

Nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek ng magawa nito ang pananangkang pagpatay sa biktima kung saan ito din ang itinuturong dahilan para wakasan ang buhay ng kanyang kaibigan.

Agad namang na-aresto ang suspek ng mga pulis at ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa himpilan ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment