Friday, July 29, 2016

Boracay West Cove, sumailalim sa surprise inspection ng SB Malay

Posted July 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagsagawa ng surprise inspection ang Sangguniang Bayan ng Malay at ang Engineering Office sa Boracay West Cove sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag nitong nakaraang araw.

Ito ay pinangunahan nina SB member Neneth Aguire-Graf at Dante Pagsugiron kasama sina Municipal Engineer Elizer Casidsid at ang Licensing at Zoning Office.

Sa pagbisita nila sa lugar ay nakaharap mismo ng mga ito ang may-ari ng Westcove na si Crisostomo “Kris” Aquino kung saan pinag-usapan naman nila ang patuloy na construction sa nasabing lugar dahil sa may ilan umano itong nilabag sa mga ordinansa ng LGU at ng DENR.

Iginiit naman ni Aquino na wala umano silang nilalabag sa pagpapalaki ng kanilang resort dahil meron umano silang mga dokumento na pinanghahawakan.

Samantala, humingi naman ng kopya ng mga dokumento ang SB upang makita kung wala nga ba ang mga itong nilalabag na.

No comments:

Post a Comment