Friday, June 03, 2016

TIEZA, makikipagkita kay Governor Miraflores para sa MOA signing ngayong araw

Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Makikipagkita ngayong araw ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kay Aklan Governor Florencio Miraflores.

Ito’y para sa signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng TIEZA at ng Aklan Province para sa phase 2 ng drainage project sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito inaasahan naman ang pagdalo ng ibat-ibang mga stakeholders mula sa isla kabilang na ang Boracay Foundation Inc. at Boracay Island Water Company (BIWC).

Nabatid na dadaluhan mismo ni TIEZA Chief Operating Officer Atty. Guiller Asido ang naturang MOA Signing na gaganapin sa Aklan Provincial Capitol sa Kalibo, Aklan.

No comments:

Post a Comment