Tuesday, May 31, 2016

Brigada Eskwela Maintenance Week at Culminating Activity isasagawa ngayong Hunyo 4

Posted May 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for brigada eskwelaNgayong darating na Sabado Hunyo 4 ay nakatakdang isagawa sa probinsya ng Aklan ang Eskwela Maintenance Week at Culminating Activity ng DepEd.

Ito ay i-momonitor naman ng Regional at Division Monitoring Team na isasagawa sa buong eskwelahan sa probinsya ng Aklan.

Nabatid na kahapon ay nagkaroon ng kickoff ang DepEd Division Office kung saan ang bayan ng Numancia ngayong taon ang napiling host bilang pagbubukas ng Brigada Eskwela na dinaluhan naman ng lahat ng mga bayan sa Aklan.

Ang Brigada Eskwela ay isang pagtutulungan para sa schools maintenance program kung saan nagtitipon-tipon ang ibat-ibang organisasyon, mga guro at mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa paglilinis sa mga paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasukan.

Ang tema naman ngayong taon ng Brigada ay “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula sa Kindergarten Hanggang Senior High School.

No comments:

Post a Comment