Posted June 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaki ang naging pagtataka ni SB Member Rowen Aguirre sa
hindi umano pag-duty ng karamihan sa mga miyembero ng Municipal Auxiliary
Police (MAP) sa isla ng Boracay.
Sa 19th regular SB Session ng Malay nitong
Martes, sinabi ni Aguirre na na-obserbahan nitong hindi na nagsasagawa ng
kanilang duty ang karamihan sa MAP member sa isla.
Dahil dito, nais nitong malaman kung ang mga ito ba ay
tumatanggap padin ng sahod mula sa LGU Malay, dahil ang ilan umano sa mga ito
ay mga Job orders lamang kung saan kapag hindi sila magdu-duty ay hindi sila
puweding sumahod.
Samantala, nais ngayon ni Aguirre na alamin mula sa Human
Resource (HR) Office ng Malay kung sumasahod parin ang mga naturang MAP kahit
hindi pumapasok sa kanilang trabaho.
Note: This news item is supported by Voice Clip of Hon. Rowen Aguirre, SB Member of Malay during the 19th Regular SB Session last Tuesday.
Note: This news item is supported by Voice Clip of Hon. Rowen Aguirre, SB Member of Malay during the 19th Regular SB Session last Tuesday.
No comments:
Post a Comment