Posted June
3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit dalawang daang indibidwal mula sa ibat-ibang
agencies sa bansa ang dumalo sa PSTD Unconvention 2016 na ginanap sa Henann Regency Hotel sa isla ng Boracay kaninang umaga.
Ito ay para magbahagi ng mga kaalaman at pag-unlad para
suportahan at ihanda ang mga talent o isang mangagawa para sa kanyang
kinabukasan.
Kasama na rito ang pagbibigay ng isang plataporma para sa pakikipagpalitan ng mga
ideya, at mga bagong kasanayan at hanay ng mga bagay-bagay at mga solusyon sa
disenyo, delivery, pagpapatupad at pagsusuri ng L&D program.
Dahil dito, limang speakers mula sa ibat-ibang kumpanya
sa bansa ang dumalo sa nasabing Unconvention at nagbigay ng kanilang mga ideya
kagaya ng LED, adopted learning at productive learning na tinalakay ni Ramon Segismundo, 2014 PMAP People of the year at HR Head ng MERALCO.
Isa rin si Karen Cariss sa nagbigay naman ng kanyang
ideya tungkol naman sa global perspective at emerging global talent, supply and
demand, talent performance at work performance, sumunod naman rito si Henry
Aguda kung saan tinalakay naman nito ang Digital Transformation, employment,
development in business transformation.
Kasama din sa nagbigay ng kanyang kaalaman ay si Benedict Hernandez, Managing Director ng Accenture Philippines kung saan ang tinalakay naman nito ay tungkol sa Jobs investment,
economic hub at ang tungkol sa BPO.
Samantala, pinakahuli namang nagsalita rito ay si Teacher
Georcelle ng G-Force kung saan ibinahagi nito ang kanyang pagiging mentor sa
kanyang mga dancer sa loob ng labin isang taon at kung gaano naging successful
ang kanyang grupo sa kanyang pamamalakad.
Ang PSTD Uncovention 2016 ay nasa ika-51st
year na ngayong taon kung saan ito ang kauna-unahan nilang Uncon sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment