Friday, June 03, 2016

26-anyos na babae, sinampal ng ka-boardmate

Posted June 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hindi lubos akalain ng 26-anyos na babae na mauuwi sa pisikalan ang kanilang pag-uusap ng kanyang boardmate sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc.

Sumbong ng biktima na si Maria Christina Legaspi sa Boracay PNP, nag-uusap umano sila ng suspek tungkol sa kanilang boarding house ng bigla nalang umano itong nagalit sa kanya hanggang sa umabot na umano ito sa hindi pagkaka-intindihan dahilan para sampalin siya nito sa mukha.

Maliban dito, hindi pa umano nakuntento ang suspek at pinagsabihan pa siya ng masasakit na salita kung saan ito naman ang nag-udyok sa kanya na ireklamo ito sa mga pulis.

Sa ngayon, minabuti namang ini-refer ng mga pulis ang nasabing kaso sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment