Posted June 3, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Handa na umano ang mga guro sa Boracay National high
school (BNHS) para sa Senior High School o K-12 program ng DepEd ngayong pasukan.
Ayon kay Leila Espinosa Senior High school Coordinator ng
BNHS, mayroon na umanong mga kagamitan ang inilaan ng DepEd para sa mga kursong
kanilang ino-oofer kung saan nakatakda din umanong magbigay sa kanila ng tulong
para rito ang Saint Benilde Lasalle HRM Dept. Manila.
Kaugnay nito, 120- slot naman ang inaasahan ng mga guro
na mag i-enroll para rito kung saan kahit sumubra umano sila ay may nakalaan
paring budget ang paaralan dito.
Maliban dito sinabi pa ni Espinosa na malaking bagay
umano sa BNHS lalong-lalo na sa mga estudyante ang pagbigay ng karagdagang
kagamitan ng Saint Benilde kagaya ng tools at equipment na gagamitin ng mga estudyante.
Nabatid na ang mga kursong ini-ofer ng BNHS ay General
Academic Strength o (GAS), Technological Vocational Livelihood Education (TVL)
kung saan sa Combination 1 nito ay may
specialization itong Home economics at Hairdressing habang sa Combination 2
naman ay Bread and Pastry Production, Food and Beverage Services, Local Tour
Guiding at Tourism Production.
Samantala, ang mga qualified teachers na magtuturo sa Senior
highschool ay sumailalim na sa training noong nakaraang buwan ng Abril kung
saan ang mga nagturo sa kanila ay ang mga professor mula sa Lassale, Manila.
No comments:
Post a Comment