Posted June 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa araw na ng Miyerkules Hunyo 8, 2016 ang deadline nang
pag-file ng campaign expenses ng mga tumakbong kandidato sa nakaraang eleksyon.
Ito ay base sa inilabas na kumpirmasyon ng Comelec Malay Office
sa pamumuno ni Comelec Officer at PIO Chrispin Raymund Gerardo, kung saan dapat
umanong mailahad ng mga kandidato ang kanilang ginastos sa pangangampanya noong
kasagsagan ng halalan.
Nabatid na ang dapat lamang magastos ng tumakbong
kandidato sa pagka-SB member ay tatlong peso sa bawat botante sa kanilang lugar
habang gayon din ang sa Vice-mayor at sa Mayor.
Napag-alaman na kung hindi sila nakapag-sumite ng campaign
expenses ay maaari silang pagmultahin at pagbawalang tumakbo pa sa susunod na
halalan at kung sakali namang lumagpas ang mga ito sa kanilang ginastos ay
maaari silang maharap sa mga penalidad ng Comelec o kaya ay ang pagka-uwi sa
pagka-diskwalipika.
No comments:
Post a Comment