Posted June 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nakalagpas sa mata ni SB member Rowen Aguirre ang
tungkol sa sistema ng Tabon Port sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.
Ito’y matapos mapansin nito na walang kahanda-handa ang
naturang pantalan sakaling ilipat na ang biyahe ng mga bangka ngayong papasok
na tag-ulan at ang Habagat.
Napag-alaman kasi na pansamantalang inilipat nitong
Huwebes ang biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port dahil sa lakas ng
alon sa Caticlan at Cagban Jetty Port.
Ayon kay Aguirre hindi pa handa ang mga pasilid sa
nasabing lugar kung saan ipinagtataka nito nito na sa pagiging world class ng
Boracay ay ganito ang nagiging sistema sa pagbibigay serbisyo sa publiko.
Dahil dito nais ni Aguirre na ipatawag sa session ang mga
kinauukulan kaugnay sa nasabing pantalan kasama na ang head ng MDDRMC at ng
Municipal Tourism Office.
Nabatid na ang Tabon at Tambisaan Port ay ang
alternatibong rota ng mga bangka sa Boracay sa panahon ng Habagat Season.
No comments:
Post a Comment