Wednesday, June 01, 2016

Negosyante sa Boracay, kalaboso sa pagbebenta ng illegal na droga

Posted June 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado ang negosyanteng lalaki sa isinagawang buy-bust operation matapos itong mahuli  na nagbebenta ng illegal na droga sa Brgy. Manoc-manoc kaninang umaga.

Sa pinag-samang pwersa ng Malay PNP, Aklan Public Safety Company, Maritime Police at Boracay PNP, nahuli ang suspek na si Ramil Delgado 37-anyos nakatira sa Brgy. Manoc-manoc.

Nakuha sa suspek ang dalawang sinasabing suspected shabu kapalit ng buy-bust money na nagkakahalaga ng P1, 000.
Maliban dito, nakuha pa mula sa kanyang bulsa ang pitong suspected shabu na nakapasok sa loob ng pouch at isang Caliber 45 colt.

Samantala, ang suspek ay naka-kulong na ngayon sa lock-up-cell ng Malay PNP at nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment