Posted May 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng murang presyo ng mga gamit sa eskwelahan,
tiniyak naman ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na hindi peke at
walang toxic ang kanilang mga ibininta sa Diskwento.
Ayon kay DTI-Aklan, Provincial Director Ma. Carmen
Iturralde, nais lamang umano nilang makatulong sa mga magulang na nagtitipid sa
gastusin para sa kanilang mga nag-aaral na anak lalo na sa mga maliliit na
negosyante ng Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) na nagbibinta nito.
Dahil dito, tiniyak ni Iturralde na ang mga gamit sa
paaralan na ibininta sa Balik Eskwela Diskwento Caravan 2016 sa ibat-ibang
bayan sa Aklan ay hindi peke at ito umano ay imported.
Nabatid na may 10% discount ang mga bilihin para sa
paaralan kasama na ang mga uniporme ng mga mag-aaral.
Ang DTI ay nasagawa ng mga caravan sa bayan ng Kalibo,
Malinao at Libacao.
No comments:
Post a Comment