Wednesday, June 01, 2016

Isla ng Boracay, makakarananas ng power interruption ngayong araw

Posted June 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Buong araw na makakaranas ng power interruption ang isla ng Boracay ngayong araw simula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ito ay base sa inilabas na power advisory ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Nabatid na ito ay sa kadahilanang magkakaroon sila ng scheduled preventive maintenance service/PMS ng 30MVA transformers at associated electrical protection devices sa Boracay Sub-station.

Samantala, tiniyak naman ng Akelco na ibabalik nila ang agad ang suplay ng kuryente anumang oras o bago mag ala-5 ng hapon.

No comments:

Post a Comment