Tuesday, May 31, 2016

BNHS, naglabas ng guidelines para sa enrollment ngayong pasukan

Posted May 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona YES FM Boracay

Image result for bnhs boracayKasabay ng isinagawa ng Brigada Eskwela naglabas naman ngayon ng guidelines ang mga guro ng Boracay National high school (BNHS) sa mga magulang ng mga mag-i-enroll ng kanilang mga estudyante.

Ayon kay BNHS School Head Victor Supetran, nagkaroon umano sila ng meeting sa head office kung ano ang mga palatuntunan na kanilang ibabahagi sa mga guro na siya ring magbibigay ng guidelines sa mga magulang at estudyante bago ang araw ng pasukan.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Supetran sa mga magulang na mag-enroll na habang malayo pa ang pasukan upang mapabilang sila sa mga upuan dahil, kung sino man ang mahuli ng enroll at wala ng maupuan ay obligado na itong bumili ng sarili niyang upuan.

Nabatid, na kung sino man ang may tanong o reaksyon sa mga patakaran ng Deped ay pwede silang pumunta o tumawag sa School Division Office.

No comments:

Post a Comment