Tuesday, May 31, 2016

20-anyos na lalaki, tinakbuhan ang mahigit dalawang daang libong bill sa hotel

Posted May 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ESTAFAHindi na ngayon mahagilap ang isang 20-anyos na lalaki matapos itong i-reklamo ng Estafa dahil sa hindi nabayarang bill sa resort sa Station 1, Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong ng Operational Manager ng resort na si Archival Lapig 33-anyos sa Boracay PNP, nag-check in umano sa kanila ang suspek na si Bradley Dalupang ng Kalibo, Aklan noong Abril hanggang ngayong buwan ng Mayo.

Sa pagcheck-out na umano nito sa hotel ay hindi ito nagbayad ng bill na mahigit sa P247, 525.00 kasama na ang kanyang kinukunsumong pagkain.

Ayon pa sa nagrereklamo, nangako naman umano ang suspek na babayaran ang nasabing bill ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umano ito nagpaparamdam sa kanila kung saan hindi na rin nila ito makontak sa kanyang cellphone.

Samantala, ang nasabing kaso ay ini-imbestigahan na ng mga pulis ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment