NI Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang
mga salitang lumalabas sa bibig ng mga magulang na may estudyanteng papasok sa
eskwelahan.
Ayon kay Balabag,
Elementary, School Teacher Ezequias Bansula, kasama nila sa paglilinis kanina
ang apatnapu’t-walong mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o
(BTAC), kasama ang Philippine Army, Kabalikat Civicom, Tanod at mga magulang na
nagpa-enroll ng kanilang mga anak.
Kasabay ng
ginawang Brigada Eskwela ang enrollment ng mga batang mag-aaral na magtatapos sa
ika-apat ng Hunyo.
Ang hindi naman
makahabol ay may pagkakataon pa hanggang sa araw ng pasukan sa Hunyo a-trese.
Nabatid na ang Brigada
Eskwela ay programa ng Department of Education (Deped) kung saan layunin nito
na magtulungan ang mga magulang at ilang organisasyon na ayusin at linisan ang
paaralan bago ang pasukan.
Malaki naman ang
pasalamat ng mga guro sa Balabag dahil sa tulong ng mga local na sector sa
pagtulong sa kanila hindi lang sa paaralan pati na sa mga estudyanteng papasok
dito.
Inaasahan naman
nila ngayon ang malaking enrollment ng mga estudyante ngayong taon.
No comments:
Post a Comment