Monday, May 30, 2016

110 na nasa drug list sa Aklan target na mahuli sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan

Posted May 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal drugTatlo hanggang anim na buwan ang target ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na mahuli ang 110 katao sa kanilang drug list sa probinsya.

Ito ang pahayag ni Police Chief Inspector Bernard Upano ng APPO Chief of Police Intelligence Branch Provincial Anti Illegal Task Group.

Ayon kay Upano, ito ang bilang ng mga nagtutulak at gumagamit ng droga sa probinsya base sa kanilang ginawang 1st at 2nd validation kamakailan.

Sinabi pa nito na sa 17 munisipalidad sa Aklan ay isa lamang na bayan ang walang naitalang gumagamit at nagbibinta ng droga sa lugar kung saan 97 naman rito ang apektadong Brgy.

Sa ngayon umano ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang clearing operation sa buong probinsya lalo na sa isla ng Boracay kung saan marami rin ang gumagamit ng droga.

Sa kabilang banda tiniyak naman ni Upano na hindi nanggagaling ang mga illegal drugs sa Aklan dahil sa wala naman umanong laboratory rito kung saan nagmumula pa umano ito sa mga katabing probinsya kagaya ng Iloilo at Bacolod na idini-deliver lamang sa Aklan.

Nabatid na target ni Presumptive President Rodrigo Duterte na masugpo ang illegal na druga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan sa kanyang pag-upo.

No comments:

Post a Comment