Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Viral ngayon sa social media ang isang driver ng isang
kumpanya ng Electric Tricycle (E-trike) sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos kuhaan siya ng litrato kasama na ang
kanyang minamanehong sasakyan ng pasaherong kanya umanong siningil ng mahal na
pamasahe.
Sa 19th Regular SB Session ng Malay nitong
Martes, ibinahagi ni SB member Floribar Bautista ang naturang isyu sa pagitan
ng driver at ng turistang pasahero.
Ayon kay Bautista sinisingil umano ang nasabing pasahero
ng 100 pesos mula sa D’Mall area hanggang sa Boracay Regency na parehong sa
station 2 at ilang metro lamang ang pagitan.
Dahil dito inaalam na ngayon ng SB Malay kung sino ang
operator ng nasabing sasakyan para malaman kung sino rin ang naturang driver na
nakatakdang imbitahan sa Session para pagpaliwanagin.
Samantala, nagsagawa naman ng magkahiwalay na
imbestigasyon ang Malay Transportation Office (MTO) kung saan sinabi ni MTO
Officer Cesar Oczon na aminado umano ang driver na naningil siya ng mahal
ngunit hindi naman umano sumakay sa kanya ang pasahero.
Kaugnay nito muling bubuksan ng konseho ang usapin sa
paulit-ulit na problema sa mga driver ng tricycle at e-trike sa Boracay sa
pangunguna ng Municipal Transportation Franchising Regulatory Board (MTFRB)
dahil na rin sa nasabing insidente.
Dapat matagal ng ginawan ng paraan ng mga locals at gov't agency yong problema na yan. Sa dami ng nagreklamo ngayon lang sila gumalaw dahil ba sa facebook?? Kelangan ba talaga ibroadcast para lang mapansin nila?? Dapat talaga ipagbawal na ang mga chartered na yan. Dyan nagsisimula ang pagiging swapang ng ibang mga driver na yan na sa totoo lng hindi namn taga dito. Sila yong pasimuno ng lahat ng yan.
ReplyDeletereplica bags lv replica bags nancy replica bags bangkok
ReplyDeleteadresse répliques de sacs ysl vérifiez-le répliques de sacs à main ysl plus d'informations répliques de sacs à main Ysl
ReplyDelete