Wednesday, June 01, 2016

Construction worker sa Boracay, tinakbuhan ang bill sa pagamutan

Posted June 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ESTAFAIni-reklamo ngayon ng isang pribadong klinika sa Boracay ang kanilang pasyenting Construction worker sa pamamagitan ng kanilang Security guard matapos nitong takbuhan ang kanyang bill kagabi.

Nakilala ang nag-reklamong sekyu na si Zyril Balayon 18-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Loubert Villanueva 23-anyos ng Kalibo, Aklan.

Salaysay ni Balayon sa mga pulis sa Boracay PNP, naka-duty umano siya ng makita niya na umalis ang suspek sakay ng motorsiklo kung saan hindi umano nito namalayan na hindi pa pala ito naka-bayad ng kanyang bill.

Dahil dito, tumawag sila ng pulis kung saan agad namang nagsagawa ang mga ito hot pursuit operation sa lugar na kanyang pinagta-trabuhan ngunit bigo silang makita ito.

Nabatid na nag-kakahalaga ng P9, 215 ang bill na kanyang hindi nabayaran.

No comments:

Post a Comment