YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 03, 2016

Ilang personalidad at malalaking kumpanya sa bansa pinarangalan sa PSTD 3rd Gawad Maestro Award sa Boracay

Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap sa isla ng Boracay ang prestihiyusong event na PSTD 3rd Gawad Maestro Award.

Limang parangal para sa limang kategorya ang nabigyan ng pagkilala hindi lamang indibidwal kundi pati na ang mga kilala at malalaking kumpanya at negosyo sa bansa.

Dito tinanghal na Outstanding Learning & Development Professional ang napakabatang si Mr. Rowell Mariano ng Bounty Agro., habang nakuha naman ni Eileen David Reyes ng Security Bank ang Outstanding L&D Manager.

Maliban dito nanalo naman sa kategoryang Outstanding L&D Organizational Champion si ang PJ Lhuillier ng habang sa Outstanding L&D Program of the Year ay napanalunan ito ng dalawang kumpanyang Maynilad 8 key steps to service excellence at BBX-Better Banking Xperience SBC (Security Bank Academy).

Samantala, nakuha naman ngayong taon ni Ginoong Victor Magdaraog ng Development Dimension International (DDI) ang Outstanding L&D Leader Extraordinaire.

Nabatid na layunin ng Philippine Society for Training and Development (PSTD) ay ang magbigay ng Training Program sa mga Human Resource (HR), Professional, Practitioner, Trainers at iba pa.

Ang PSTD 3rd Gawad Maestro Award ay ginanap kagabi sa Henann Regency Hotel sa station 2 Boracay kung saan ito ay dalawang araw na aktibidad tampok rito ang ginawang PSTD Uncovention at ang Learning Marketplace A at B kasama na Expo opening.

No comments:

Post a Comment