Friday, June 03, 2016

Dalawang lalaking nakuhaan ng kutsilyo, arestado

Posted June 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ngayon ang dalawang lalaki sa lock-up-cell ng Malay PNP matapos itong mahulihan ng kutsilyo sa Brgy. Caticlan,Malay, Aklan kanina ng madaling araw.

Ayon sa blotter report ng mga pulis, ini-reklamo ng dalawang biktima na sina Juanito Babiera 47-anyos at Jeramel Trinnidad 28-anyos ang dalawang suspek na si Elves James Ambito 26-anyos at Junell Dalmacio kapwa parehong nakatira sa nasabing Brgy.

Base sa report, papauwi na umano ang dalawang suspek sa kanilang bahay galing sa inuman ng madaanan nila itong sinasabing construction worker at hinahamun umano sila ng away.

Ngunit, ng inawat naman ng mga biktima ang dalawang suspek ay ikinagalit naman nila ito at mabilis na bumunot ng kutsilyo at sinaksak sa biktima kung saan mabilis namang naka-iwas ang mga ito at daplis lang ang natamong sugat.

Nabatid na malapit sa lugar ang pinangyarihan ng insidente kung saan doon din nanggaling ang dalawang suspek sa pinag-iinuman ng dalawang biktimang umawat.

Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang pananaksak pa ng mga suspek na mabilis namang ni-respundihan ng mga tanod sa lugar at dinala ang mga ito sa Malay PNP.

Sa ngayon, nahaharap ang dalawang suspek sa dalawang kasong Attemted Homicide at paglabag sa Comelec Gun Ban.

No comments:

Post a Comment