Wednesday, June 01, 2016

SALAAM Police Volunteer, sasailalim sa validation ng Boracay PNP

Posted June 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakdang isailalim ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang SALAAM Police Volunteer para sa kanilang validation.

Itoy matapos na isagawa ang Nationwide Program para sa Peace Building Caravan sa Brgy. Manoc-manoc Covered Court kahapon sa pangunguna ng Police Regional Office 6.

Nabatid na isa ang SALAAM Police Volunteer at ang SALAAM Police sa mga dumalo sa nasabing programa kasama ang KABALIKAT CIVICOM, APPO at Boracay PNP.

Kaugnay nito naging speaker naman sa nasabing programa sina P/Supt. Joseph Ian Lofranco OIC SALAAM Police Center at Ustadz Yunuz Abdulmuln Spiritual Adviser, SPC na mula sa Camp Crame.
Dito naki-usap ang mga ito na kung maaari ay alisin na ang diskriminasyon sa mga Muslim at maging pantay sa pagtrato sa mga ito.

Ang SALAAM Police Volunteer sa pamamagitan ng Boracay PNP ay sasailalim sa ibat-ibang training kasabay sa pag-renew ng kanilang ID kung sila ba ay makakapasa sa pagkuha ng validation para dito.
 

No comments:

Post a Comment