Posted June 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Limang buwan na ang nakaraan ng mag-simulang mag-resign
sa kanyang trabaho ang isang empleyado ng Municipal Health Office (MHO) Malay sa
Boracay na hanggang ngayon ay nasa payroll pa umano.
Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on
Laws Rowen Aguirre sa SB Session ng Malay nitong Martes sa kanyang naging privilege
speech.
Ayon kay Aguirre, may natanggap umano siyang report na
ang dating empleyado na nasa payroll parin umano ang kanyang pangalan.
Kaya ngayon nais nitong malaman dahil sa kung totoo man
umano ito ay merong isang taong nagbubulsa ng nasabing pera at pumepeke sa
daily time record.
Iginiit din nito na isa itong offense at dis-honesty na
subject naman for dismissal at liability kung saan sa oras na mapatunayan umano
ito ay gagawa siya ng kaukulang disiplina laban sa taong nasa likod nito.
Samantala, magpapadala naman ng sulat ang SB Malay sa
Human Resource Office para humingi ng kopya ng payroll ng mga empleyado sa MHO
Boracay.
No comments:
Post a Comment