Tuesday, May 31, 2016

Bagong General Manager ng AKELCO, uupo na sa puwesto bukas

Posted May 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for AKELCOSi Engr. Alexix Maypa Regalado na ngayon ang bagong uupong General Manager ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) simula bukas Hunyo 1, 2016.

Ito’y matapos ang ginawang pag-endorso ng Akelco Board na kinumpirma naman ng National Electrification Admin (NEA).

Sa kanyang pahayag humihingi ngayon ng suporta at kooperasyon si Regalado sa kanyang pamumuno sa nasabing kooperatiba.

Nabatid na si Engr. Alexis Regalado ay tubong Numancia at kasalukuyang construction engineer ng Akelco kung saan nauna na itong nag-apply sa posisyon ng GM ngunit hindi siya ang napili.

Samantala, nangako naman ito sa miyembro/konsumidor na gagawin ng kanyang  administrasyon na mapagsilbihan ng husto ang nasasakupan ng Akelco.

No comments:

Post a Comment