YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 19, 2015

Tourist arrival sa Boracay tumaas sa kabila ng APEC meetings

Posted May 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala umanong negative impact ang ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings sa isla ng Boracay.


Ito ang sinabi ni Asec. Charles Jose at APEC spokesperson sa ginanap na press briefing sa International Media Center sa Eco-village resort and convention center Lunes ng umaga.

Katunayan tumaas umano at normal lamang ang bilang ng tourist arrival sa Boracay sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad na seguridad dahil sa nasabing meeting sa isla.

Sinabi nito na kahit may APEC meeting ngayon sa Boracay ay nakapagtala parin ng 94,000 na turistang nagbakasyon sa Boracay sa unang 15 days ngayong buwan ng Mayo.

Dagdag pa nito, ang APEC hosting umano ay malaking promotion ng Boracay at ng ibang siyudad na mayroong tourism sites sa Pilipinas.

Samantala, simula nitong Mayo 18, 20 APEC meetings na ang isinagawa bilang preparasyon sa Second Senior Officials’ Meeting ngayong Mayo 21 at ang Ministerial Meeting Responsible for Trade sa Mayo 23 hanggang 24.

No comments:

Post a Comment