Tuesday, May 19, 2015

E-Trikes, ginawang service para sa APEC ministerial meeting sa Boracay

Posted May 19, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for E-Trike sa BoracayGinawang service para sa APEC ministerial meeting sa Boracay ang mga E-Trikes o electric tricycle sa isla.

Ayon kay E-Trike Program In-charge Dante Pagsuguiron, sampung unit ng Gerweiss motors at dalawang E-Trikes naman mula sa isa pang E-trike operator ang kinontrata ng isang travel and tours sa isla para mag-service sa mga APEC delegates.

Bamaga’t hindi na idinetalye, sinabi pa ni Pagsuguiron na positibo umano ang naging epekto nito para sa E-Trike program ng LGU Malay.

Bagama’t magugunitang aminado rin ito na may problema sa suplay ng E-Trikes, determinado naman ang mga ito na mapalitan ang mga traditional na tricycle sa isla.

Nabatid na nag-enjoy ang mga APEC delegates sa pagsakay sa E-Trikes habang hinahatid-sundo ang mga ito sa kani-kanilang meeting areas.

No comments:

Post a Comment