Monday, May 18, 2015

Pagpapatupad ng mga ordinansa sa beach front, lalong hinigpitan kasabay ng APEC

Posted May 18, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Lalo ngayong hinigpitan ang pagpapatupad sa mga ordinansa sa beach front kasabay ng APEC ministerial sa Boracay.

Maliban ito sa halos 24 oras na pagtutok ng mga law enforcers sa daloy ng trapiko at pagbantay sa seguridad ng mga turista.

Kapansin-pansin kasi ang mga law enforcers katulad ng Boracay Auxiliary Police na nagpapatrolya sa beach area upang masawata ang mga illegal vendors.

Maliban dito, tumutulong din sa pagpapatupad ng ‘No Smoking by the beach’ ang mga kawani ng Task Group Boracay Philippine Army, Boracay PNP at maging ang mga force multipliers bilang paghahanda sa Boracay Day celebration.
  
Samantala, sumabak din ang mga law enforcers sa mga environment awareness activities katulad ng beach cleanup at fun run sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pagbantay sa seguridad ng APEC ministerial meeting sa isla.

Magugunita namang umapela si mismong Malay Mayor John Yap na magtulungan ang lahat para sa ikabubuti ng Boracay.

No comments:

Post a Comment