Tuesday, May 19, 2015

Kapapanganak na sanggol nagtagpuan sa gilid ng ilog sa Estancia Kalibo

Posted May 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sanggolKaawa-awa ang sinapit ng kapapanganak na sanggol matapos na iwan ng hindi matukoy na magulang sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia, Kalibo.

Dakong alas-7 ng umaga kahapon nang matagpuan ng residente sa naturang lugar na si Jerryl Pareño ang nasabing sanggol matapos nitong marinig na umiiyak.

Dito niya nilapitan ang pinagmumulan ng iyak kung saan tumambad sa kanya ang kapapanganak pa lamang na sanggol na puro buhangin ang katawan at nangingitim na kung at malapit na ring tangayin ng tubig sa ilog.

Agad naman niya itong kinuha sa tulong ng iba pang tao sa lugar at dinala sa Aklan Provincial Hospital sa bayan ng Kalibo.

Sa ngayon ligtas naman ang bata na pansamantala namang tinawag sa pangalan ng nakakitang si Jerryl at ng kanyang asawa na “Nathaniel” habang pinoproseso ang pansamatalang pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung sino ang magulang ng nasabing sanggol.

No comments:

Post a Comment