YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 20, 2015

Operasyon ng MMDA at MAP sa Boracay nais alamin ni SB Bautista

Posted May 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for MMDA SA BORACAYNais ngayong alamin ni Malay SB Member Frolibar Bautista ang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay.

Ito ang kanyang sinabi sa privilege hour ng 17th Regular SB Session ng Malay, Martes ng umaga.

Ayon sa Konsehal hindi niya umano nakikita ang mga miyembro ng MAP na kasama ang MMDA para magbantay ng trapiko dahil sa kasagsagan ng APEC Summit sa isla.

Tanong nito kung sino ang mag-iisyu ng violation sakaling may mahuling motoristang lumabag sa traffic code ang MMDA gayong hindi nila ito kasama sa operasyon.

Iginiit pa ng Konsehal na dapat ang MAP ay kasama sa ginagawang pagbabantay ng MMDA dahil sila ang nagpagpatupad ng trapiko sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito sinabi pa ni Bautista kung bakit mismong mga taga-MMDA na mula pa sa Manila ang dinala rito para sa APEC Summit sa Boracay gayong mayroon namang MAP at mga kapulisan.

Samantala, ipapaabot naman umano ni Vice Mayor at Presiding Officer Welbic Gelito ang concerned ni Bautista kay Malay APEC Task Group at Focal Spokesperson Rowen Aguirre.

No comments:

Post a Comment