Sunday, May 17, 2015

PSDMN, susuporta sa mga local responders para sa APEC ministerial meeting sa Boracay

Posted May 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

PSDMNR LOGO
Susuporta umano sa mga local responders para sa APEC ministerial meeting sa Boracay ang PSDMN o Private Sector Disaster Management Network.

Ayon kay PSDMN Chief Action Officer Peter Negredo, nasa 50 sila ngayon sa Boracay na ipinadala ng pamahalaang nasyonal para sa APEC.

Misyon umano nila ngayong tumulong sakaling kakailanganin sila ng mga local responders, depende umano sa tinatawag na ‘alert level’.

Magkaganon paman, sinabi pa ni Negredo na tiwala siya sa kakayahan at preparasyon ng mga responders dito sa isla.

Samantala, nilinaw pa ni Negredo na self-sustaining ang kanyang grupo.

Ibig sabihin, sila umano ang naghahanap ng sarili nilang pagkain at iba pang pangangailangan habang nasa ‘standby status’ para sa APEC.

Nabatid na kumikilos ang PSDMN sa direksyon ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council DILG 117.

No comments:

Post a Comment