Sunday, May 17, 2015

Lebanese National na nakipag-away sa live in partner, lumangoy mula Tambisaan papuntang Caticlan

Posted May 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for philippine coast guard logo
Isang Lebanese national ang nailigtas ng Philippine Coastguard (PCG) sa Sitio Tambisaan, Barangay Manoc-manoc nitong hapon.

Lumangoy kasi ito sa dagat ng halos 500 metro matapos umanong makipag-away sa kanyang live in partner.

Nakilala sa report ng PCG ang 22 anyos na turistang si El Rahi Charbel na inireklamo naman mismo ng kanyang live in partner sa himpilan ng Boracay PNP.

Base sa impormasyon, nag-away ang dalawa dahil naubusan na umano sila ng pera habang nagbabakasyon sa Boracay, kung saan sinaktan pa ng Lebanese ang kanyang live in partner.

Samantala, sa halip na sumama sa mga police, mas pinili na lamang ng lalaki na tumalon sa dagat papuntang Caticlan mula sa Sitio Tambisaan.

Nailigtas naman ito ng PCG sakay ng rubber boat mula sa layong 500 metro nang hindi na nito nakayanang bumalik sa dalampasigan.

Kinalaunan, nagkasundo na lamang ang dalawa sa himpilan ng Boracay PNP na aayusin nila ang kanilang problema.

No comments:

Post a Comment