Thursday, May 21, 2015

Police security forces sa Boracay, ‘intact’ parin kahit patapos na ang APEC ministerial meeting

Posted May 21, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Walang nabawas sa bilang ng mga police security forces na ipinadala para sa APEC Ministerial sa Boracay.

Ito ang nakumpirma ng aming himpilan sa kabila ng impormasyong halos patapos na ang nasabing event.

Kaugnay nito, kapansin-pansin parin ang mga kapulisang nakabantay sa main road ng Central Boracay, maliban pa sa mga nag-roronda sa beach front.

Magugunitang maliban sa iba pang puwersa katulad ng Philippine Army, Bureau of Fire, MMDA, DOH, at Rescue Teams, nabatid na mahigit tatlong libong pulis ang ipinakalat sa isla mula pa nitong ika-5 ng Mayo para sa APEC.

Samantala, base naman sa impormasyong nakalap, may mga pulis na ipinadala dito para sa APEC ang pinauwi matapos makaranas ng sama ng pakiramdam dahil sa init ng panahon.

Patuloy namang sinisikap ng himpilang ito na makuha ang panig ni PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan tungkol sa usapin.

No comments:

Post a Comment