Monday, May 18, 2015

Expansion project ng BIWC sa Mainland Malay malapit ng makumpleto

Posted May 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malapit na umanong matapos ang ginagawang expansion project ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa mainland Malay.

Ayon kay BIWC General Manager at Chief Operation Officer Joseph Michael Santos, sakaling matapos na umano ito ay mabibigyan nila ng sapat na suplay ng tubig ang Boracay kung saan ito rin umano ang kanilang layunin sa nasabing proyekto dahil sa dumaraming gumagamit sa isla.

Sinabi din nito na mula sa Nabaoy Pumping Station sa Mainland Malay ang ginawang pag-install ng BIWC papuntang Caticlan Treatment Plant.

Sa kabilang banda maaaring ang BIWC na ang magbibigay ng suplay ng tubig sa Brgy. Caticlan partikular sa Sitio. Tabon sa nasabing bayan kung saan matagal ng problema sa lugar ang kawalan ng suplay ng tubig mula sa Malay water district.

Nabatid na naglalakihang pipes ang ginamit ng BIWC sa kanilang nasabing proyekto na ngayon ay malapit na ring matapos.

No comments:

Post a Comment