Friday, May 22, 2015

Australian Trade Minister Andrew Robb, dumating ngayong araw sa Boracay para sa PRC Lifeguard stations

Posted May 22, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

The Hon Andrew Robb AO MP
Dumating ngayong araw sa Boracay si Australian Trade Minister Andrew Robb.

Nabatid na bibisitahin nito ang mga PRC o Philippine Red Cross Lifeguard stations at ang mga Australian-certified PRC Life Savers.

Kaugnay nito, nakatakdang ipamalas ng PRC Boracay Team ang isang Life Saving Demonstration na itinuro naman sa kanila ng safety expert at Australian Red Cross Volunteer na si David Field.

Nabatid na gaganapin mamayang alas 3:30 ng hapon ang nasabing aktibidad sa Beach Front ng Nigi-Nigi Too, Station 1.

Samantala, maliban kay Australian Trade Minister Andrew Robb, inaasahan din ang pagdalo sa aktibidad ni PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang.

Nabatid na isa si Robb sa mga dumating sa bansa para sa APEC Ministers Responsible for Trade meeting.

No comments:

Post a Comment