Friday, May 22, 2015

Boracay, nakapagtala ng mas mababang crime rate ayon sa PRO 6

Posted May 22, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for Crime rate sa BoracayBumaba ngayon ang crime rate sa isla ng Boracay ayon sa PRO o Police Regional Office 6.

Ayon sa report, mas mababa ng halos sampung porsiyento ang naitalang kriminalidad sa isla mula Enero hanggang buwan ng Abril 2015 na may 982 na kaso, kung ikukumpara sa kaparehong period ng nakaraang taon na meron 1,086.

Aminado naman ang mga kapulisan na malaki ang naitulong mismo ng LGU Malay at mga stakeholders upang masawata ang kriminalidad sa isla.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong ‘Noynoy’ Aquino III na hindi siya kuntento sa pagbaba ng nasabing crime rate, sa kabila ng mga idinagdag na kapulisan at pinaigting na kapasidad ng mga imbistigador ng Boracay PNP.

Kaugnay parin nito, aminado naman si Boracay PNP Chief-PSInps.Frensy Andrade na bumaba ang naitalang kriminalidad ngayon sa isla dahil sa police augmentation kasabay ng ginaganap na APEC Ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment