Saturday, May 23, 2015

Dalawang lalaki sa Boracay, timbog dahil sa kasong pagnanakaw

Posted May 23, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for kulunganKalaboso ang inabot ng dalawang lalaki sa Boracay matapos umanong pagnakawan ng cell phone ang isang turista kaninang umaga sa station 2 beach front.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang mga suspek na sina Amading Tortona, 31 anyos at Reynald Poblete, 26 anyos, at pawang mga taga Pasay City.

Base sa imbistigasyon, nakita umano ng biktimang si Aisha Bint Castillo, 34 anyos ng Talamba Area, Cebu City ang suspek na si Amading na lumapit sa beach bed kung saan nakalagay ang Iphone 6 nito.

Maya-maya pa, kinuha na umano ng suspek ang kaniyang Iphone, bagay na kinumpronta niya ito.

Samantala, pasimple sana nitong ibinalik sa beach bed ang Iphone at kinausap ang kaniyang kasamang si Reynald upang tumakas, subali’t kaagad namang nakahingi ng saklolo sa police at sa mga tao sa lugar ang kasama ng biktima.

Resulta, naaresto ang dalawa at kasalukuyang nasa kostodiya ng Boracay PNP Station.

No comments:

Post a Comment