Friday, May 22, 2015

1st Honorable John P. Yap Malay Football Festival umarangkada na

Posted May 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umarangkada na kahapon ang 1st Honorable John P. Yap Malay Football Festival na ginanap sa Balusbus Football Field Malay sa probinsya ng Aklan at magtatapos ngayong araw.


Ito ay nilahukan ng mga kasaling grupo mula sa Manila, Parañaque, Iloilo City, Cotabato, Cagayan de Oro, Negros Football Club, Calapan Mindoro, Masbate, Capiz, Kalibo, Buruanga at Boracay-Malay Football team.

Ayon kay Municipal Sports Coordinator Cesar Oczon, isang maikling programa umano ang isinagawa kahapon sa Malay Elementary School bago magsimula ang laban kung saan mainit namang tinanggap ng LGU Malay ang mga kalahok.

Maliban dito may mga panauhing pandagal din umano sila na mga International Football Players para sa pagbubukas ng kauna-unahang palaro.

Samantala, ikinatuwa naman ni Mayor Yap ang naging success ng nasabing laro kung saan inaasahan nitong magtuloy-tuloy pa ito sa mga susunod na taon.

Nabatid na layunin ng patimpalak na mabigyan ng pagkakaton ang mga kabataang mahilig maglaro sa larangan ng Football.

No comments:

Post a Comment